Ang Mahaba't Kagyat Na Buhay Ng Indie Sinema
Simula nang pormal na nailuwal noong 2005, mabilis na nagkaroon ng template at baryasyon ang konseptuwalisasyon, produksiyon, postproduksiyon, eksibisyon, sirkulasyon, at popular at kritikal na resepsiyon ng Pinoy indie sinema. Ito ang kagyat niyang buhay. Nagpapatuloy pa ang afterlife nito hanggang sa paglathala nitong libro. Ito naman ang mahaba niyang buhay. Sa katunayan, itong ikatlong golden age ng Philippine sinema ang siyang pinakamahaba ang yugto kumpara sa naunang dalawa. Nagsasaliw sa antolohiyang ito ang mga akda ng mga iskolar at kritiko sa araling kultural at ng mga filmmaker upang maunawaan at masipat ang kasalukuyan at retrospektibong danas sa Pinoy indie sinema. May tumutukoy sa naiibang anyo o estilo sa paglikha, malayo sa nakaugaliang pamamaraan ng pagkukuwento sa pelikula. May nagbibigay ng atensiyon sa pagbabakasakali ng mga bagong mukha, pinahahalagahan ang pakikipagsapalaran sa paggawa ng pelikula na hiwalay sa mga nakasanayang produksiyon ng sine na namamayani s