Bata, Hiwaga, Bansa Pamana ni Rene O. Villanueva sa Panitikang Pambata
“Isa kang magandang regalo sa mga bata.” Ibinalik ko kay Rene O. Villanueva (ROV) ang mga katagang ito nang mismong isulat niya ito bilang dedikasyon sa akin para sa aking kopya ng libro niyang 12 Kuwentong Pamasko. At bakit hindi ko sasabihin ’yon gayong nag-alay siya sa bata at bayan ng maririkit na kuwentong pambata na nagtatampok sa galing, talino, at kakayahan ng batang Pilipino. Hitik sa danas, drama, at hiwaga ang buhay ni ROV kaya makulay ang kaniyang naging panulat. Masisilip natin ito sa mga pagsusuri at pagtalakay na ginawa ng iba’t ibang manunulat sa aklat na ito. Heto na ang Bata, Hiwaga, Bansa na maingat na sininop ng dalawa ring mahuhusay na manunulat pambata na sina Dr. Eugene Evasco at Dr. Cheeno Marlo Sayuno. Nang minsang maging panauhin ko si ROV sa aking programang pang-storytelling sa radyo, at may binasa kaming isang mapangahas niyang kuwento, biniro ko siya: “Lagot ka kapag pinag-aralan ng susunod na henerasyon ang iyong mga akda!” Humagalpak siya ng tawa. Iyong