Beckoning Baguio: A Decade of Walking in a City of Pines by Ivan Emil A. Labayne
Tungkol sa aklat: Mahaba at buhol-buhol ang mga nasa isip ni Ivan tungkol sa mga aspeto at kondisyong bumubuo sa Baguio—mga tao, mga lugar, mga relasyon at pamamaraan, mga pagsasalin at tumbasan, mga ideya at kagamitan. Tumatagos sa mga panahon at lunan ang pagtutuon niya ng pansin, mula sa sinaunang taal na kultura hanggang sa pinakabagong pagpapahayag ng kontemporanyong buhay. Makikita ito sa pag-uugat at pagbabalik-tanaw, o mabilis na pagdaong ng mga dumayong sanggunian. Madalas ay nasa punto ng pagkukumpara, di man tuwiran, na malaking bahagi ay bunsod ng pagiging nasa o taga-ibang lugar. Mararamdaman sa mga salita ni Ivan ang puwersa ng paghahanap. Kita ang sigla ngunit rinig din ang pagod sa kaniyang mga pagpili at paghuhulma. Laging nauuwi ang pagpapalagay sa kahulugan, o sa maling-hulog na sinasadya kung minsan. Ang aklat na ito ay tungkol sa Baguio, ngunit ito rin ay tungkol sa kaniya at sa balisa at aligaga ng modernong pamumuhay. —Janine Dimaranan Kung magbasa, andaming foot