Cuaresma: Isang Dulang Ganap ang Haba by Sir Anril Pineda Tiatco

Cuaresma: Isang Dulang Ganap ang Haba by Sir Anril Pineda Tiatco

$50.00
{{option.name}}: {{selected_options[option.position]}}
{{value_obj.value}}

Isang tanong ang naging daan upang maisulat ang mababasang akda sa aklat na ito: Kailangan ba talagang tapusin ang "Makamisa," ang nobelang hindi natapos ni Jose Rizal? Wala akong sapat na sagot. Pero naisip ko, baka ang dapat mas mahalagang pagmuni-munihan ay kung bakit kailangan tapusin ang akda ni Pepe? Kahit anong perskpektibo ang gamitin, hindi maikakaila ang papel ni Pepe sa diskurso ng nasyonalismo. Maging ang konsepto ng kooperasyon ay isinabuhay ni Pepe sa kaniyang mga akda. Ang literal na salin ng makamisa ay kongregasyon—kooperasyon o kaya naman komunidad. Baka may gustong ipabatid ang ating pambansang bayani hinggil sa ideya ng komunidad na kaniyang nasimulan sa naunang nobela. Ang mababasang akda ay isang pagninilay-nilay ng buhay kongregasyon mula sa kontekstong iniwan ni Rizal sa kaniyang "Makamisa" at sa mga naunang nobelang "Noli Me Tangere" at "El filibusterismo." Ito ay isang dulang ganap ang haba at isang malayang adaptasyon ng nobelang "Makamisa" mula sa anotasyon

Show More Show Less