Himagsik ni Emmanuel
Ang nobela ay isang pagsasabuhay sa kasaysayan ng pag-ibig, buhay, at pananalig. Bagama't ang balangkas ng nobela ay tungkol sa isang trahedya ng pag-ibig at himagsik sa dogmatismo, ang nakapaloob na diwa ng kasaysayan ay ang pagbabalik-tanaw at pagsusuri sa ispiritwalidad ng tao. Tumakas si Emanuel sa ngalan ng laya at pag-ibig at ang korona ng ganitong paghahanap ay ang pagkakatuklas sa gayuma ng trahedyang lumagom sa kanya. Sinisikap ng nobela na itampok sa salaysay ang pilosopiya at kasaysayan ng pananampalatayang Pilipino at buksan ang ubod ng ispiritwalidad at pananaw ng lahi. Sa naratibong istruktura papanaw si Emmanuel nguni't pagkalipas ng maraming taon, babalik ang bagong Immanwel para ipagpatuloy ang isang ispiritwal na paglalakbay. Author: Domingo G. Landicho ISBN/ISSN: 971-542-108-3 Category: Literature; Play; Filipino Copyright: 1996 Pages: 194pp Size: 6x9 Type: PB/BP