Mga Sulat: 25 Kuwento ng Paglingap (The Philippine Writers Series 2022)
Ang kalipunang ito ng maiikling katha ay isang halimbawa ng nailahad minsan ni Lamberto E. Antonio na bago siya nahaling sa tula ay nahalina muna siya sa prosa. Kinakatawan ng Mga Sulat ang pana-panahong paglinga at paglingap niya sa mga bagay na ang pagiging "palasak" ang mismong nagkikintal ng pagkamalikhain. Katumbas ito ng pagkatig ni LEA sa pananaw na ang pagtula ay pagkausap mo sa mundo, at sa pamamagitan ng kuwento ay mundo naman ang kakausap sa iyo. Kung paano pinaglalangkap ni Antonio ang pagkamalikhain at pagkamapanuri ay dapat ipagagap sa mga mambabasa ng naritong dalawampu't limang kuwento ng paglingap. Author: Lamberto E. Antonio ISBN/ISSN: 978971542993-1 Category: Literary; Short Stories; Filipino Copyright: 2022 Pages: 204pp Size: 6x9 Type: PB/SP