Sa Bagani Ubbog: Mga Piling Maikling Kuwento ni Reynaldo A. Duque
Tinipon sa aklat na ito ang mga salin sa Filipino ng kaniyang dalawampu’t dalawang maikling kuwentong Ilokano na nalathala sa Bannawag mula dekada 1960 hanggang 2012. Isinaalang-alang na maisama ang mga maikling kuwentong maaaring maging representatibo ng iba’t ibang paksa, tema, estilo, at tradisyong kinapapalooban ng mga kuwento, sa hangaring makapagbigay ng maraming durungawan upang masipat ang kabuuang lawas ng panitikang kaniyang kinatha. Dito, Sa Bagani Ubbog, naisasapook ang kasaysayan at naisasakasaysayan ang pook sa mga kuwentong Filipino na minimithing pagbubukalan ng mga Bagani Ubbog ng marami pang mga kuwentong buhay. Author: Reynaldo A. Duque Editor: Junley L. Lazaga Translators: Roy V. Aragon, Junley L. Lazaga, & Ariel S. Tabag ISBN/ISSN: 978621090011-8 Category: Literary; Short Stories; Filipino Copyright: 2024 Pages: 344pp Size: 6x9 Type: PB/SP