Sanga sa Basang Lupa at Iba Pang Kuwento by Jim Pascual Agustin

Sanga sa Basang Lupa at Iba Pang Kuwento by Jim Pascual Agustin

$30.00
{{option.name}}: {{selected_options[option.position]}}
{{value_obj.value}}

Unang nakilala si Jim Pascual Agustin bilang makata, at ngayo’y nagpapakilala siya bilang kuwentista sa "Sanga sa Basang Lupa at iba pang kuwento." Dito makikitang tumutulay ang diwa ng pagkamakata sa kanyang mga kuwento: may ingat siya sa pagdidisenyo ng talinghagang aagapay hindi lang sa mga imaheng tatatak sa kamalayan, kundi pati sa mismong dinidiskurso ng mga imahe. Kaya papasukin na ang mga mariposa ng gunita, ang mga nagsasalitang kumpol ng mga kawayan, ang nagsasangang landas ng tubig sa kalsada, ang impit na halakhak at pait ng mga musmos na binabawian ng kawalang-malay. May talas ng pandinig si Agustin sa awtentikong dayalogo, laging organiko ang sibol ng kanilang pananalita, lente’t pulso ng kanilang pagkatao. May sikhay rin ang kuleksiyon—masinop na tinipon ang mga akdang nasulat na may dalawang dekada na rin ang nakalilipas, at marahil kaya rin naman pinagpasyahang ilimbag ay sapagkat naniniwala ang awtor na hindi naman kumukupas ang mga pag-iral na nasa sitwasyon, na nasa

Show More Show Less