Maikling Walang Hanggan: Mga Dagli by Rommel B. Rodriguez
Ipinapakita ng koleksiyong ito ng maikling prosa ang katangi-tangi at kahanga-hangang pagkagamay ni Rommel Rodriguez sa anyong ito bilang nagniningning na sining ng imbitasyon sa pagkamangha, umaapoy na sandata ng pagkamulat at nakakalulang tulay sa pag-arok ng walang katapusang lalim ng kasaysayan. -Ramon Guillermo Sinesementuhan ni Rommel Rodriguez sa koleksiyong ito, gamit ang sariling bersiyon ng pagdadagli, ang isang tila nalilimot na prinsipyo na pundamental sa pagkukuwento : Ang pagiging kuwentista ay pagiging saksi sa isang kuwento. Hindi lamang nagsasaulo ang isang manunulat ng mga partikular na pangyayari at pag-iral na nakakuha ng kanyang pansin, para lamang isaulo ang mga ito at pagkatapos ay ikuwento sa mambabasa ng walang labis at walang kulang. -Ferdinand Pisigan Jarin Gaya ng mga nauna nang malikhaing interbensyon ni Rodriguez, muli na naman niyang pinatutunayan sa koleksiyong ito ng mga dagli ang kanyang siste, lalim at tindig bilang manunulat at kultural na manggagawa