Salingdugo ni B.S. Medina Jr.
SALINGDUGO. Kasaysayan ng isang paglalakbay. Ng pagdukwang sa agwat ng pinaglakhan at pag-unlad. Ng pagpapasya: o pag-ibig o poot. (Sa pagitan niyon, ano mayroon?) SALINGDUGO. Kasaysayan ng paglalakbay sa pagitan ng pag-ibig at poot. Saan hahangga ang paglalakbay na iyon? SALINGDUGO. Kasaysayan ng isang manlalakbay ~ anak, magulang; tagautos, tagasunod; tagapagyaman, tagapawi: Tao. Saan siya hahantong? Narinig na niya: "lisa lang ang langit, ang langit ng katubusan. May langit ang bawat isa." Nananalig siya. SALINGDUGO. Kasaysayan ni Absalom Segundo. Ng kanyang sinundan. Ng kanyang kasunod. Ng Sinuman. Author: B.S. Medina Jr. ISBN/ISSN: 971-542-143-1 Category: Literature; Novel; Filipino Copyright: 1997 Pages: 262pp Size: 6x9 Type: PB/BP